Updating About me - Paolo

Si nanie,
Di ko sya madalas tawagin sa pangalan nayan. Ang gusto ko "John". Ang hirap nyang ilarawan sa totoo lang yung titimbangin mo yung inner and outer side nya.. Sa outer side tayo. Hindi naman katangkaran at hindi kaliitan yung tama lang. Walang pakialam sa kulay ng balat nya ang madalas nyang sabihin sakin "okay lang yan babalik din yan" Ang pinaka cute na parte ng katawan nya na nakita ko e yung mga daliri nya, parang pang girl kasi✌✌ Kita naman na may itsura sya (parang ako😂) we both have a pleasing face😂😂.

Inner side of him: Mahirap syang basahin. Kung susubukan para syang blankong papel na walang naka sulat ano man. Mabuti syang tao. Ramdam ko ever since we met. Sya yung tipo ng kaibigan na pag malungkot ka di nya i to tolerate yung pagiging malungkutin mo kahit na minsan lumalabas na parang di ka nya pinapakinggan sa pinag sasabi mo but in the end pag masaya kana ulit may part sya na naitulong nung malungkot ka na hindi mo alam may way sya para pasayahin ka. Di ko pa sya nakikitang magalit pero ang alam ko ma pride din sya tulad ko. Dog lover? Super! And absolutely! Siyang siya na talaga.

Yung tipong pag naging kaibigan mo sya tapos lumubog yung barko na sinasakyan nyo at may kasama kayong aso, wag kanang umasa na una ka nyang ililigtas dahil uunahin nya ang aso, ganyan sya magmahal ng mga alaga nya. Bilang anak, sa mga nakita ko di sya gaanong sweet pero nandun yung care, Di sya palasunon "minsan lang naman" pero nandun yung respect. Bilang new friend, Overwhelming ang pakiramdam na magkaroon ka nang kaibigang tulad nya. As long as nagkaka sundo kayo at palagi mo syang kwentuhan.. doon sya interested e.. sa kwento ng buhay ng iba. In general A+ ang marka na deserve nya..he's the kind of person na kahit bugnutin di naman nagtatagal at sya din yung tipo ng tao na pangmatagalang kaibigan. Yon lang☺

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PINAY SEX SCANDAL

Bakit nagtataksil ang mga babae sa kanilang asawa?

Airplanes in 2025